Gamit ng Wika sa Lipunan
Sa ating pang-araw araw na pamumuhay, hindi natin maiiwasan ang paggamit ng wika sa ating bawat lipunan. At bilang mga mamamayan, mauunawaan at mauunawaan natin, na ang wika ay mahalaga talaga sa ating bawat sarili. Meron itong kung anong pwersa na nakapagbubuo at nakakapag-isa sa lipunan. Makikita natin ang kahalagahan ng wika kahit kailan at kahit saan. Ngunit bilang isang mamamayanan, ng isang lipunan,ano ba para sayo ang Wika? Ang pinakadiwa ng Wika ay Panlipunan. Kaya, ating mabutihin at alamin kung ano ang mga sitwasyon na ito kung saan maipapakita ang gamit ng Wika sa lipunan.
Sa ating panahon ngayon, ang paggamit ng social media upang makipag-konekt sa ating nais na makausap ay hindi na nakakagulat. Isang halimbawa ng medium pang-komunikasyon sa social media ay ang FACEBOOK. Kung saan maari nating magamit ang wika sa ating mga posts, messages at iba pa. Isa din sa mga ito ay ang twitter, instagram at marami pang iba.
Isang paggamit ng wika sa ating lipunan din ang pagte-text. Sapagkat sa paraang ito, nagagamit natin ang wika upang may maibahagi na impormasyon sa iba, o pwede ring ang kasalungat. Kung saan, tayo ang humihingi ng impormasyon. Maari din itong gamitin sa mga emergency kung saan, maaring ang nasabing lipunan (bahay, pamayanan, paaralan atbp.) ay nangangailangan ng tulong o kamay sa iba't-ibang klaseng paggawa.
Sa ating mga paaralan, may mga announcement na nagaganap. Upang makapag bahagi ng iba't ibang mga impormasyon na kinakailangan malaman ng iba (lost and found, mga time skedyul atbp.) Kahit sa mga mall, ang PA SYSTEM ay ginagamit upang makapag trabaho ng maayos ang mga empleyado. At para narin malaman ng mga kostumer na malapit ng mag sira ang mall.
Kagaya ng PA SYSTEM, ang radyo ay isang sitwasyon kung saan makikita natin ang gamit ng wika sa ating lipunan. Nagagamit ito sa klase klaseng sitwasyon. Kagaya ng pagbabahagi ng mga balita, drama, pa-raffle, anunsyo at marami pang iba.
Makikita natin ang gamit ng wika sa mga dyaryo. Iba't-ibang tungkulin ang nasasaklaw nito dahil sa barayti ng mga "topic" (kagaya ng mga balita, mga patawa, komiks, atbp.) na nasasaad sa mga dyaryo.

Comments
Post a Comment